Tuesday, May 27, 2008

Kwento 1-2-3-4

Eeeee maiiwan ko nanaman tong blog na to, Im really bad on keeping blogs.
Even diaries during gradeschool days..
Marami nang kwento, mas nakakatamad nang ilathala...yessss
Fine! I'll try..

Kwento 1:
Girlee and E came home from Dubai, yey!
So exclusive ako sakanila ng isambwan..
Wedding nila e, kaya busy busyhan ako ng soooo much!
Friend con Wedding Coordinator pala nila ako, ehem
Maid of Honor aketch, the 'little boy' is the coin bearer,
Naglakad at ngumiti anak kooo!! Was so proud of him!
Di rin nag inarte, lab na lab nya barong nya, galing!
He's so cute din in his barong...
Anyway..
Kahit natapos na ang wedding, kami nila Girlee and E ay hindi pa natatapos sa kabusyhan
Tumira dito sa bahay yung mag asawa (yesss mag asawa) for several days
At sinulit namin ang mga nalalabi nilang araw sa Pilipinas.
Ayun natahimik na ang buhay ko ngayong bumalik na sila sa lupang gatasan nila
Buhay naman ulit ni jowawihoney ang guguluhin ko.

Kwento 2:
Nakabalik na kami sa pinagligawan namin Sierra Madre!!
Bago umalis ang aking mga pinakamatatalik na mga kaibigan sa kanilang lupang gatasan..
Dinala namin sila dun ni jowawihoney
At narating na namin ang infanta hehe
Panalo pichurs! Gaganda ng view!
Kung kilala nyo ko, may pics sa Multiply ko hehe
Iwan si 'little boy' sa bahay (sori )..
Kapa lang namin kasi yung daan e, mahirap na
Babalik kami ulit dun, alam na namin kung san namin sya dadalhin

Kwento 3:
Raket overload aketch!
Nagcocooking cooking demo ako ngayon sa Superchefs ng iba't ibang SM Hypermarkets e,
Til July pa.
Sobrang fun!
Sa una nakakakaba talaga, but you'll get the hang of it
Ngayon sobrang nageenjoy na ako...
yeah!

Anufavaaaahh...

Kwento 4:
Nagka allergy pala ako... WILD!
As in kung mamantal ako buong braso ko covered ng isang gigantic pantal.
(now just imagine how huge it was)
Days before the wedding pa yan ha!
Kaloka talaga.
Demo day came, pagkagising ko parang ang bigat ng mukha ko.
Hala! I had one sa mata!
A huge one, para akong sinapak, nagballoon talaga sya at pikit
Kung anu ano ginawa ko, cold compress, claritin tabs (I took 2 tabs ---->wrong!)
Nakakaa antok pala yun, at isa lang ok na dapat
pero hindi! Wala man lang bahid ng pag subside.
Ayun nag demo ako sa SM Taytay ng naka shades.
Di ko nga masuot ng maayos yung shades e, kasi humaharang yung maga.
Anyway, buti sinundo ako ni jowawers nun, at nakita yung mukha ko
May katabing hospital kasi dun e, dinala nya ko dun
Natakot yung doctors, inadmitt ako agad
Inaaway ko mga tao dun, HINDI PWEDE GRADUATION KO KINABUKASAAAAAN
Hehe, kinulit ko doctor kowe
Thrice yata ako nainjectionan ng gamot
Pero maga parin mata ko..
Ayun naka abot naman ako ng graduation, nakashades parin nga lang hehe
At ang higit sa lahat.... SAMPUNGLIBO PARA SA OVERNYT CONFINEMENT taena